NU ibinaon ang Ateneo
MANILA, Philippines — Tumibay ang kapit ng defending champion National University sa second spot ng team standings matapos nilang lapain ang 25-18, 25-18, 25-15 panalo kontra Ateneo de Manila University sa UAAP Season 88 collegiate women’s volleyball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum kahapon.
Nagliyab sa opensa si Evangeline Alinsug upang akbayan ang Lady Bulldogs sa kanilang pangalawang sunod na panalo at ilista ang 5-1 karta, solo sa tuktok ang last year’s runner-up De La Salle University na may 5-0.
Pinaghahandaan ng NU ang karibal na DLSU na maghaharap sa Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“We’re doing our best every game and we’re happy because everybody can play well whenever we need them… We cannot focus so much on individual skills, we have to work together talaga,” ani coach Regine Diego na makakaharap ang dating college mentor na si Ramil de Jesus.
Sa ikalawang laro, nagpasiklab sa opensa si Alyzza Gaile Devosora upang trangkuhan ang Far Easter University sa panalo kontra University of the Philippines, 25-13, 25-21, 25-16.
Kumana si Devosora ng 15 markers kasama ang 13 kills at dalawang service aces para tulungan ang Lady Tamaraws na ilista ang 4-2 card at puwestuhan ang No. 3 spot sa team standings.
NU ibinaon ang Ateneo
Elech Dawa

- Latest