Group A top spot sinuwag ng Lady Altas

MANILA, Philippines — Inangkin ng University of Perpetual Help System DALTA ang Group A top spot matapos lusutan ang Mapua University, 25-20, 21-25, 25-22, 20-25, 15-6, sa NCAA Season 101 women’s volleyball tournament kahapon sa San Andres Sports Complex sa Manila.
Nagpasabog si Cy Almeniana ng 28 points, kasama ang lima sa fifth set,para sa 11-2 record ng Lady Altas na may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.
Nagdagdag si Jem Menor ng 14 markers at may 13 points si Camille Bustamante para sa tropa ni coach Sandy Rieta na nakahugot kay setter Fianne Ariola ng 27 excellent sets.
Pinamunuan nina rookie Alexander Leabres at veteran opposite hitter Raissa Ricablanca ang Lady Cardinals, laglag sa 5-7 marka, sa kanilang tig-18 points.
Nakatabla ang Mapua sa fourth set, 25-20, bago kunin ng Perpetual ang 6-0 abante sa fifth frame tampok ang dalawang attack points ni Almeniana.
Ang dalawang kills ni Menor ang naglayo sa Lady Altas sa 10-3 na hindi na naputol ng Lady Cardinals.
Sa men’s division, sinuwag ng Altas ang Cardinals, 20-25, 14-25, 25-14, 25-16, 15-4, para sa kanilang 10-3 baraha.
Nagtala si John Castil ng 17 points para sa Altas na may taglay na ‘twice-to-beat’ sa quarters, habang may 13 at 12 markers sina Marc
Tangon at Zain Mohammad, ayon sa pagkakasunod. Bagsak ang Cardinals sa 6-6 marka.
- Latest


















