Ahanmisi namakyaw sa PBA All-Star
MANILA, Philippines — Dalawang korona ang inangkin ni Jerrick Ahanmisi ng Terrafirma sa sa PBA Season 50 All-Star Weekend kahapon sa Candon City Arena sa Ilcoos Sur.
Matapos pagharian ang Obstacle Challenge guard edition ay isinunod ni Ahanmisi ang Three-Point Shootout crown laban kay PBA all-time 3-point king Marcio Lassiter ng San Miguel.
Nagtala si Ahanmisi sa Obstacle Challege guard ng bilis na 24.44 segundo para ungusan sina Rey Nambatac ng TNT Tropang 5G (27.94), Fran Yu ng Titan Ultra (37.52), Juan Gomez De Liaño ng Converge (35.83), Juami Tiongson ng San Miguel (50.7) at Dalph Panopio ng Blackwater (36.97).
Pumukol naman ang Dyip shooter ng 30 points laban sa 25 markers ni Lassiter sa 3-point contest.
Ibinulsa ni Ahanmisi ang tig-P30,000 sa nasabing dalawang events ng PBA All-Star Weekend.
Samantala, si Brandon Bates ng Meralco ang kampeon sa Obstacle Challenge bigman edition sa kanyang 22.86 segundo.
Tinalo niya sina James Laput ng Magnolia (45.69) at Brandon Ramirez ng NLEX (27.26).
- Latest
























