Alex Eala pasok agad sa 2nd round ng BNP Paribas Open

MANILA, Philippines — Makasisiguro agad ng tiket sa second round si Alex Eala sa 2026 BNP Paribas Open na papalo sa Marso 4 hanggang 15 sa Indian Wells, California sa Amerika.
Isa si Eala sa mga seeded players sa naturang WTA 1000 event dahil sa kanyang mataas na puwesto sa world rankings.
Bago ilabas ang seeding, nasa No. 31 ito sa WTA rankings — ang bagong career-high ng Pinay netter.
Kaya naman hindi na daraan pa sa first round si Eala at magkakaroon ito ng sapat na pahinga bago sumalang sa second round.
Makakasama ni Eala sa mga seeded players sina world No. 1 Aryna Sabalenka ng Belarus, No. 2 Iga Swiatek ng Poland, No. 3 Elena Rybakina ng Kazakhstan, No. 4 Coco Gauff ng Amerika, No. 5 Jessica Pegula ng Amerika, No. 5 Amanda Anisimova ng Amerika, No. 7 Jasmine Paolini ng Italy at defending champion Mirra Andreeva ng Russia.
Sa pagpasok sa second round ng BNP Paribas Open, makasisiguro na si Eala ng 35 puntos para sa kanyang WTA rankings.
Kasama pa rito ang $36,110 premyo o mahigit P2 milyon.
Nakaabang naman ang $1.15 milyon o mahigit P66 milyon para sa mananalo sa BNP Paribas Open.
Kaya naman inaasahang magiging pukpukan ang laban lalo pa’t nakataya ang makislap na premyo at WTA ranking points.
Nasa Amerika na si Eala kung saan sumalang ito sa ilang aktibidad doon.
Kabilang na rito ang pagbisita ng 20-anyos Pinay netter sa headquarters ng Nike kung saan nakahilera ang ilang malalaking larawan nito na naka-frame.

Chris Co

- Latest