^

PSN Palaro

Cone walang sinisi sa kabiguan ng Gilas

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Walang sisihan para kay Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa gitna ng krusyal at dikit na 66-69 pagkatalo nila sa harap pa ng home fans kontra sa New Zealand sa second window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers kamakalawa sa Mall of Asia Arena.

Sentro ng debate nga-yon na dahilan umano ng kabiguan ng Nationals ang pagkapanis ng dati’y de-kalibreng scorer na si Justin Brownlee matapos malimitahan lang sa apat na puntos.

Nagrehistro ng 21.5 points sa unang dalawang laro kontra sa Guam si Brownlee bago hindi naka-porma kontra sa Tall Blacks nang pumukol ng masamang 2-of-10 field goal sho­oting kabilang na ang 0-of-4 mula sa tres.

Ito ang unang single-digit scoring ni Brownlee bilang naturalized player ng Gilas bagama’t naglista ng 6 rebounds, 2 assists, 1 steal at 1 tapal.

Ayon sa ibang Pinoy fans, tumatanda at luma-laos na ang 37-anyos na re-sident import din ng Barangay Ginebra subalit hindi pa para kay Cone, na pinuri sa halip ang de--fensive game plan ng New Zealand sa kanyang pambato.

“New Zealand did a really good job of doubling Justin, denying him touches. People are going to point at the game and say he only had four points. But that was strictly through the game planning of New Zealand,” depensa ni Cone kay Brownlee.

“Justin did a great job defensively,” dagdag niya matapos ding limitahan ang ace players ng Tall Blacks na sina Max Darling at Jordan Ngatai na nagkasya sa 11 at 3 points, ayon sa pagkakasunod.

Pinuri rin ni Cone ang kanyang mga local crew na sina Dwight Ramos, CJ Perez at Juan Gomez De Liaño na kumamada ng 16, 15 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.

TIM CONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with