Pacquiao dudungisan si Mayweather
MANILA, Philippines — May bitbit na misyon si Manny Pacquiao sa oras na makaharap nito si undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.
Kasado na ang inaabangang rematch nina Pacquiao at Mayweather sa Setyembre 19 (Setyembre 20 sa Maynila) sa Las Vegas, Nevada.
Dadalhin ni Pacquiao ang tangkang gumawa ng kasaysayan bilang bukod-tanging boksingero na nakatalo kay Mayweather na may malinis na 50-0 rekord.
“I want Floyd to be forever haunted by the loss on his professional record and always remember who gave it to him,” ani Pacquiao.
Matatandaang tinalo ni Mayweather si Pacquiao sa kanilang paghaharap noong 2015 sa pamamagitan ng unanimous decision.
Masaya si Pacquiao na muling makasagupa si Mayweather sa rematch na matagal nang inaabangan ng mga boxing fans.
“It just happened that I’m still active in boxing and he came out of retirement so he decided to do it again so I’m excited for the fight,” wika ni Pacquiao sa panayam ng ESPN.
Aminado si Pacquiao na marami itong natutunan sa kanilang unang pagtatagpo. At tiniyak ng Pinoy champion na hindi na mauulit ang nangyari noong 2015.
“I learned a lot from that fight. I think compared to 2015, we become mature right now and know how to handle it. I hope that it will not happen again, the way it did last 2015,” ani Pacquiao.
- Latest


















