^

PSN Palaro

Grizzlies sinunog ng Heat

Pilipino Star Ngayon
Grizzlies sinunog ng Heat
Sumalaksak si Miami Heat forward Andrew Wiggins laban kay Memphis Grizzlies forward GG Jackson.
STAR/ File

MIAMI - Kumamada si Andrew Wiggins ng 28 points mula sa magandang 9-of-10 field goal shooting at nag-ambag si Norman Powell ng 25 markers sa 136-120 paggiba ng Heat sa Memphis Grizzlies.

Nakuha ni Wiggins ang kanyang 15,000 career points mula sa lay-up niya sa kaagahan ng third quarter.

Umiskor si Tyler Herro ng 14 points para sa Miami (31-27) habang may 13 at tig-12 markers sina Bam Adebayo, Kasparas Jakucionis at Jaime Jacquez Jr., ayon sa pagkakasunod.

Humakot si center Kel’el Ware ng 11 points at 15 rebounds para sa home team.

Kumana si GG Jackson ng season-high 28 points at may 25 markers si Jaylen Wells sa panig ng Memphis (21-34) na nalasap ang ika-11 kabiguan sa huli nilang 14 laro.

Hawak ang five-point lead sa halftime, bumanat ang Heat ng 39 points sa kabuuan ng third period kumpara sa 26 markers ng Grizzlies.

Sa huling 1:19 minuto ng nasabing yugto ay itinayo ng Miami ang 20-point lead, 109-89, para iwanan ang Memphis papasok sa fourth quarter.

Sa kabila ng 18 turnovers ay tumapos pa rin ang Heat na may 36 assists.

Sa iba pang laro, wagi ang Detroit Pistons sa Chicago Bulls, 126-110; dinaig ng San Antonio Spurs ang Sacramento Kings, 139-122; at lusot ang Phoenix Suns sa Orlando Magic via overtime, 113-110.

ANDREW WIGGINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with