Ika-pitong sunod kinamada ng Spurs

AUSTIN, Texas - Umiskor si Stephon Castle ng 20 points at may 17 markers si Victor Wembanyama para banderahan ang San Antonio Spurs sa 121-94 pagpapalamig sa Phoenix Suns.
Nagdagdag ang 7-foot-3 na si Wembanyama ng 11 rebounds at 5 blocks, habang may 15 points si De’Aaron Fox para sa pang-pitong sunod na ratsada ng Spurs (39-16).
May 17 markers si Fil-Am guard Dylan Harper kasunod ang 10 points ni center Luke Kornet.
Bumira si Fil-Am Jalen Green ng 26 points sa panig ng Suns (32-24) na nakahugot kay forward Mark Williams ng 11 points at 10 rebounds.
Naglaro lamang si Phoenix star Devin Booker ng siyam na minuto bago bumalik sa dugout dahil sa right hip soreness.
Wala rin si Dillon Brooks na nagsisilbi ng one-game suspension dahil sa kanyang ika-16 technical foul ngayong season.
Kinuha ng San Antonio ang 61-49 halftime lead mula sa isang 13-0 panimula sa second quarter.
Inilista ng Spurs ang isang 22-point lead sa third period na hindi na naputol ng Suns sa fourth quarter.
Sa New York, nagposte si Cade Cunningham ng 42 points at 13 assists tsa 126-111 demolisyon ng Detroit Pistons (41-13) sa Knicks (35-21).
Sa iba pang laro, pinatumba ng Cleveland Cavaliers ang Brooklyn Nets, 112-84; wagi ang Houston Rockets sa Charlotte Hornets, 105-101; tinalo ng Boston Celtics ang Golden State Warriors, 121-110; at panalo ang Orlando Magic laban sa Sacramento Kings, 131-94.
- Latest





















