Ceccarelli pang-54 sa Giant Slalom ng Winter Games

BORMIO, Italy — Tumapos si Francis Ceccarelli sa ika-54 puwesto sa kanyang pagsalang sa Giant Slalom event ng men’s Alpine skiing sa 2026 Winter Olympics.
Nagsumite si Ceccarelli ng oras na 1:27.35 sa morning run at pinaganda ito sa 1:20.97 sa afternoon run sa hanay ng 81 entries mula sa 62 bansa.
Mula sa 57th place matapos ang first run ay tumaas ang 22-anyos na Pinoy pride sa 54th sa kanyang overall time na 2:48.83.
“I’m really so happy today,” sabi ng skier na ipinanganak sa Quezon City at naninirahan ngayon sa Abetone, Tuscany kasama ang kanyang Italian parents.
Pumang-apat si Ceccarelli sa siyam na partisipante mula sa Asia sa ilalim ng mga lahok ng South Korea, Uzbekistan at Kazakhstan at nasa unahan ng mga skiers ng China, Thailand, Kyrgyzstan, Hong Kong at Singapore.
“We worked so hard so next time we’ll be better or best. Tomorrow we rest and maybe in the afternoon we go to the gym. Then we push for another day,” pahayag ni Ceccarelli.
Ilang entries Italy, Germany, France, Norway at United States ang hindi nakatapos.
Binanderahan ni Lucas Pinheiro ang event sa kanyang bilis na 2:25.0 para sa kauna-unahang gold medal ng Brazil sa Winter Olympics.
Ang silver medal ay napunta kina Marco Odermatt (2:25.58) at Loic Meillard (2:26.17) ng Sweden.
“I’m really proud,” wika ni Ceccarelli na susubok naman sa Slalom event.
Samantala, nakatakdang lumahok ang 17-anyos na si Tallulah Proulx sa Giant Slalom sa Cortina na limang oras ang layo mula sa Bormio.
Siya ang unang Pinay na kalahok sa Winter Olympics at kasali rin sa Slalom event.
- Latest

















