Lady Knights tuloy ang ariba
MANILA, Philippines — Hinataw ng Colegio de San Juan de Letran ang ikaanim na sunod na panalo matapos talunin ang Jose Rizal University, 25-17, 25-12, 25-21, sa NCAA Season 101 wo-men’s volleyball tournament kahapon sa San Andres Sports Complex sa Manila.
Humampas si Nicen Colendra ng 18 points mula sa 17 attacks at isang service ace sa pagtusok ng Lady Knights sa 6-0 record sa Group B sa crossover eliminations.
Sumuporta kay Colendra sina Judiel Nitura at Vanessa Sarie.
Laglag ang Lady Bombers sa pang-anim na dikit na talo sa Group A.
Samantala, pumalo si Kath Santos ng 21 points mula sa 19 attacks at dalawang service ace para tulungan ang San Sebastian College-Recoletos sa 25-23, 28-26, 25-16 demolisyon sa Emilio Aguinaldo College.
Nagdagdag si Christina Marasigan ng siyam na puntos para sa 2-5 record ng Lady Stags sa Group A.
Pinamunuan ni Angel Joy Perez ang Lady Ge-nerals (0-5) sa kanyang 16 points.
Sa men’s division, binalikan ng Generals ang Stags, 19-25, 22-25, 25-19, 25-23, 15-12.
Bagsak ang Stags sa 3-4 kartada.
- Latest




















