^

PSN Palaro

PBA teams mapapalaba sa Macau Black Bears

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  May bagong dayo na hahamon sa liga ng mga bida sa katauhan ng Macau Black Bears na magsisilbing guest team sa inaabangang PBA Season 50 Commissioner’s Cup sa susunod na buwan.

Pormal na naikasa ang Memorandum of Agreement kahapon sa Macau, kung saan sinalubong ng Black Bears management ang PBA delegation sa pangunguna nina commissioner Willie Marcial at Board of Governors chairman Alfrancis Chua ng Barangay Ginebra.

Macau ang magsisilbing ikatlong guest team sa PBA ngayong dekada matapos ang kampanya ng Bay Area Dragons at Hong Kong Easter noong Season 47 at 48, ayon sa pagkakasunod.

Mataas na kalibre ang inaasahan sa Black Bears na dati nang naglaro sa ASEAN Basketball League at kasalukuyang kuma­kampanya sa East Asia Super League tampok din ang Meralco Bolts ng PBA at sa The Asian Tournament.

Bandera sa guest team ang 7-foot-6 na higanteng si Sam Deguara kasama sina Damian Chongqui, Omari Peek-Green at Phoenix Shackelford sa gabay ni Garrett Kelly.

Walang height limit sa paparating na Commissioner’s Cup kaya inaasahang magpaparada rin ng mga higanteng imports ang 12 PBA teams upang ipangtapat kay Deguera at sa Black Bears.

Lalarga ang Commissioner’s Cup sa Marso 11.

CHUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with