Ratsada ng 76ers tinapos ng Lakers

LOS ANGELES - Nagpasabog si Austin Reaves ng 35 points sa loob ng 25 minuto para gabayan ang Lakers sa 119-115 pag-eskapo sa Philadelphia 76ers.
Kumolekta si LeBron James ng 17 points at 10 assists sa pagpigil ng Los Angeles (31-19) sa five-game winning streak ng Philadelphia (29-22).
Hindi natapos ni NBA leading scorer Luka Doncic ang laro para sa Lakers nang magkaroon ng left leg injury sa 3:03 minuto ng second period.
Ito pa lamang ang ika-10 pagkakataon na naglaro nang magkakasama sina Reaves, Doncic at James ngayong season.
Bumanat si Joel Embiid ng 35 points at tumipa si Tyrese Maxey ng 26 points at 13 assists sa panig ng 76ers na binitawan ang hawak na 14-point lead at muntik makabangon mula sa isang 16-point deficit sa second half.
Kinuha ng Los Angeles ang 110-94 abante sa huling apat na minuto ng fourth quarter.
Nakalapit ang Philadelphia sa 113-116 matapos ang three-point shot ni rookie VJ Edgecombe sa huling 36 segundo.
Ang dunk ni Rui Hachimura mula sa pasa ni Maxi Kleber sa nalalabing 12 segundo ang nagselyo sa panalo ng Lakers.
Sa iba pang laro, tumakas ang Atlanta Hawks sa Utah Jazz, 121-119; panalo ang Orlando Magic sa Brooklyn Nets, 118-98; at wagi ang Golden State Warriors sa Phoenix Suns, 101-97.
- Latest


















