Frayna nanatili sa No. 1 spot
MANILA, Philippines — Nanatili sa tuktok si WGM Janelle Mae Frayna matapos makatabla kay Queen Pamplona sa seventh round ng Philippine National Women’s Chess Championship sa Malolos City, Bulacani.
Nasa peligro si Frayna nang atakihin siya ni Pamplona sa king side at mabuti na lamang at hindi nasira ang kanyang diskarte kaya nauwi sa draw matapos ang 39 moves ng razor-sharp Center-Counter showdown.
Inirehistro ng Army personnel mula Bicol na si Frayna ang 5.5 points para masolo ang unahan at makalamang ng kalahating puntos kay Ruelle Canino.
Pinisak ng 18-anyos na si Canino si Allaney Jia Doroy sa 59 moves ng Queen’s Gambit opening sa event na suportado ni host city Mayor Christian Natividad at ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman Patrick “Pato” Gregorio.
Dahil may walong rounds pang nalalabi ay malaki ang tsansa ni Frayna, ang ASEAN Individual Championship silver winner, na makuha ang isa sa tatlong tiket para sa World Chess Olympiad sa Setyembre Samarkand, Uzbekistan.
Magkakasalo sa No. 3 spot sina Heart Padilla, Jan Jodilyn Fronda at Bernadette Galas na may tig-4.5 points.
- Latest


















