Oftana, Lassiter bibida sa PBA All-Star Weekend
MANILA, Philippines — Matapos ang pambihirang duwelo sa PBA Season 50 Philippine Cup Finals ay bibida sina Calvin Oftana ng T0NT at Marcio Lassiter ng San Miguel sa star-studded Three-Point Shootout ng inaabangang 2026 PBA All-Star Weekend sa Marso 6 hanggang 8 sa Candon, Ilocos Sur.
Si Oftana ang reigning champion ng All-Star sideshow, habang si Lassiter ang lider ng All-Time 3-point field goal made kaya inaasahang magtatapat sa finale bagama’t nakaabang ang mga pambato rin ng ibang koponan.
Haharang sa kanila sina Andrei Caracut ng Rain or Shine, Jerrick Ahanmisi ng Terrafirma, Joshua Munzon ng Titan Ultra, Tyler Tio ng Phoenix, Zavier Lucero ng Magnolia, Sedrick Barefield ng Blackwater, Xyrus Torres ng NLEX, CJ Cansino ng Meralco, Ralph Cu ng Barangay Ginebra at super rookie Juan Gomez de Liano ng Converge.
Sa likod ng 25 points ay naghari si Oftana sa huling All-Star event ng PBA noong 2024 sa Bacolod matapos daigin sina reinging champion Paul Lee (20) ng Magnolia at Chris Newsome ng (15) sa finals.
Ito rin ang parehong taon kung kailan binasag ni Lassiter ang 1,250 triples ni Jimmy Alapag para malagay sa PBA history.
Samantala, palaban din ang mga kalahok sa Obstacle Courts tampok ang pinagsamang cast ng guards at bigs.
Babandera sa guards sina RJ Abarrientos ng Ginebra, Robert Bolick ng NLEX, Rey Nambatac ng TNT, Juami Tiongson ng San Miguel, Fran Yu ng Titan Ultra, Felix Lemetti ng Rain or Shine, Jerom Lastimosa ng Magnolia, Anjo Caram ng Meralco, rookie Dalph Panopop ng Blackwater, Ahanmisi, Tio at De Liano.
- Latest




















