Eya-Sisi tandem bibida sa Choco Mucho vs Akari

MANILA, Philippines — Muling mapapanood si Alas Pilipinas standout Eya Laure sa Premier Volleyball League matapos mawala ng dalawang taon.
Ipaparada ng Choco Mucho si Laure sa kanilang pagsagupa sa Akari ngayong alas-6:30 ng gabi sa pagbubukas ng 2026 PVL All-Filipino Conference sa Filoil Centre sa San Juan City.
“Parang fresh start talaga na let’s do this,” sabi ng 26-anyos na dating Chery Tiggo star. “Parang okay, kasama ko na itong mga taong ito for the next years and kumbaga bagong opportunity ulit to be better.”
Muling makakasama ni Laure sa Flying Titans si dating University of Santo Tomas teammate Sisi Rondina bukod kina Maddie Madayag, Isa Molde, Dindin Manabat at libero Thang Ponce.
Hindi naglaro si Rondina sa tropa ni coach Dante Alinsunurin sa 2026 PVL season dahil sa pagtutok sa Alas Pilipinas beach volleyball team katambal si Bernadeth Pons ng Creamline.
Itatapat ng Chargers sina Ivy Lacsina, Ced Domingo, Fifi Sharma, Eli Soyud, Faith Nisperos, Justine Jazareno, Mars Alba, Cza Carandang, Jyne Sorreno, Judith Abil at Rhose Dapol.
Sa unang laro sa alas-4 ng hapon magtutuos ang Cignal at ang nagpalakas na Galeries Tower.
Muling aasahan ng Super Spikers sina Vanie Gandler, Erika Santos, Ishie Lalongisip, Rose Doria-Aquino, Jackie Acuña, multi-awarded playmaker Gel Cayuna at libero Dawn Catindig.
Isasalang ng Highrisers sina veteran opposite hitter Aiza Maizo-Pontillas, Julia Coronel, Jean Asis, Erika Raagas, Jules Samonte, Gayle Pascual, BLove Barbon, Cams Victoria, Shola Alvarez, Lycha Ebon, Julia Angeles, Dolly Verzosa, Erika Deloria, Sharya Ancheta, Venice Puzon at Maji Mangulabnan.
- Latest


















