^

PSN Palaro

Ongcoy, 2 pa may pahabol na ginto sa Pinas

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpasiklab sina Para athletes Evenizer Celebrado, Cyril Cloyd Ongcoy at Cleford Trocino sa huling araw ng kompetisyon sa athletics matapos magtala ng mga bagong record sa 13th ASEAN Para Games na nilalaro sa 80th Birthday Stadium sa Nakhom Ratchasima, Thailand kahapon.

Nakipagtambalan ang athletics long distance runner na si Celebrado kay King James Reyes para sikwatin ang ginto sa Men’s 5000m T11 sa pagtatala ng pinakaunang Para Games record na 20:03.55 oras.

Hindi naman nagpadaig si Ongcoy, nakamit ang kanyang pangalawang record at gintong medalya sa una pa lamang nitong pagsali sa kada dalawang taong torneo sa pagwawagi sa Men’s 5000m T12 sa oras na 17:32.19.

“Matagal ko na sinasabi na ito ang main event ko. Hindi talaga ako magpatalo rito,” ani Ongcoy. “Natutunan ko po talaga ‘yung strategy tapos kailangan natin ng focus. Kasi mahirap mag-focus lalo na kapag pressured dahil ang laki nung iba.”

Nakalikom ang Pinoy athletes ng 38 golds, 31 silvers at 47 bronze medals at nakapuwesto sa pang-apat sa overall medal tally.

Rumatrat din sa final day sa tournament na para sa mga may kapansanan si Cleford Trocino, nasilo nito ang ginto sa men’s 800m T52 sa tiyempong 2:00.16 habang ang team captain na si Jerrold Mangliwan ang kumuha ng silver sa nirehistrong 2:00.73.

Inamin ng 38-anyos na si Trocino na naging masarap sa pakiramdam ang nahablot na gintong medalya.

“Sa loob ng sampung taon, ngayon lang ako nakakuha ng gold. Mga Paralympic-caliber mga kasama ko,” ani Trocino. “Hindi ko aakalain na may lakas pa ako para makatawid ng finish line.”

TROCINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with