Otom pasikat sa APG, 2 ginto sinikwat
MANILA, Philippines — Hindi maawat sa pagratsada sa paghakot ng gintong medalya si Pinay tanker Angel Otom sa pangatlong araw na labanan sa 13th ASEAN Para Games na ginaganap sa 80th Birthday Aquatics Center, Thailand kahapon.
Bukod sa gintong medalya na nakulimbat, inungusan ng 22-anyos na si Otom ang matagal ng nakatagong record sa women’s 100-meter freestyle S4-S5 ng irehistro nito ang tiyempong isang minuto at 43.87 segundo.
Mabilis na sumisid agad ng panibagong ginto ang estudyante ng University of the Philippines Sports and Sciences nang magreyna ito sa women’s 200m freestyle S5 event sa ipinasang oras na 3:44.49.
May apat na gintong medalya na ang hinablot ni Otom sa nasabing prestihiyosong competition para sa differently abled bodies kung saan ay suportado ng Philippine Sports Commission at ng Philippine Paralympic Committee national delegation.
Ang binasag ni Otom ay ang 18-taong rekord na nilista ni Junkum Thatananatch noong 2008 Nakhon Ratchasima Para Games.
“Oh talaga po,” sabi ng Paris Paralympian na si Otom. “Hindi ko po alam, pero Salamat na din po dahil sa unti-unti na po ako nakakabawi sa mga sakripisyo ko,”
Inamin ni Otom na kumuha siya ng lakas sa hirap ng kanyang dinanas sa 2024 Paris Paralympics, naging aral sa kanya ang mga nakaraang paglangoy, bagama’t nakarating sa finals ng 50m backstroke S5 at 50m butterfly S5 sa kabisera ng Pransya pero nagtapos lamang sa ikaanim at ikalimang puwesto.
“Naranasan ko ang maraming pagkabigo sa Paralympics, at bukas ako tungkol doon. Ngunit ngayon, ang mga pagkabigong iyon ay naging aral para sa akin,” ani Otom.
Sa kabuuan may apat na gintong medalya at isang pilak ang nasungkit na ni Otom.
Sa athletics, dinomina ni King James Reyes ang men’s 1500m T46 event na nagsumite ng oras na 4:17.93.
Nangibabaw din si Reyes sa men’s 1500m T46 event, na may oras na 4:17.93.
- Latest























