Jen Nierva hinugot ng Cool Smashers

MANILA, Philippines — Nagsimula na ang Creamline Cool Smashers sa rebuilding upang mapalakas ang lineup nito bago magsimula ang Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Enero 31.
Kaya naman hinugot ng Cool Smashers si libero Jen Nierva na dating miyembro ng Chery Tiggo Crossovers.
Pormal nang inihayag ng Creamline ang pagkuha kay Nierva sa kanilang mga social media accounts.
Excited na ang Cool Smashers na makasama si Nierva na may malalim na karanasan bilang bahagi ng Alas Pilipinas.
Isang champion team din si Nierva na makailang ulit nagkampeon sa UAAP kasama ang National University Lady Bulldogs.
Makakasama ni Nierva sa Cool Smashers ang dati nitong teammate sa Lady Bulldogs camp na si middle blocker Sheena Toring.
“A new volleybelle is stepping into the pink. At 166 cm, a battle-tested libero who plays with heart, grit, and control. A champion mindset. A steady presence on the court. Welcome to the GV-Kada, Jen Nierva,” ayon sa post ng Creamline.
Limang players ang namaalam sa Creamline. Ito ay sina setters Rhea Dimaculangan, Mafe Galanza, middle blocker Pau Soriano, wing spiker Riza Mandapat at outside hitter Michelle Morente.
Hangad ng Creamline na makabuo ng solidong team para sa susunod na kumperensiya ng lliga matapos mabigong makasungkit ng korona noong nakaraang taon.
- Latest























