Randle inakay ang Timberwolves sa ika-4 dikit

MINNEAPOLIS - Nagsumite si Julius Randle ng 28 points, 11 rebounds at 8 assists para gabayan ang Minnesota Timberwolves sa 131-122 paggupo sa Cleveland Cavaliers .
Tumipa si Anthony Edwards ng 25 points, 9 assists at 7 rebounds at naging third-youngest player sa NBA history na nakapagposte ng 10,000 career points matapos sina LeBron James at Kevin Durant.
Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Timberwolves (25-13).
Nagdagdag si Jaden McDaniels ng 26 points, habang may 22 markers si Donte DiVincenzo tampok ang anim na three-point shots.
Pinamunuan ni Donovan Mitchell ang Cavaliers (21-18) sa kanyang 30 points at may 22 markers si Sam Merrill kasama ang 11 sa fourth period.
Sa Charlotte, kumamada si Pascal Siakam ng 30 points tampok ang isang driving layup sa huling 11.5 segundo sa 114-112 pagtakas ng Indiana (7-31) laban sa Hornets (13-25).
Tinapos ng Indiana ang kanilang 13-game losing skid at ibinigay kay coach Rick Carlisle ang kanyang ika-1,000 career win.
Nag-ambag si T.J. McConnell ng 23 points kasunod ang 16 markers ni Aaron Nesmith.
Pinangunahan ni LaMelo Ball ang Charlotte sa kanyang 33 points kasama ang pitong triples.
Sa Salt Lake City, bumira si Lauri Markkanen ng 33 points sa 116-114 paglusot ng Utah Jazz (13-24) sa Dallas Mavericks (14-24) at pigilan ang kanilang five-game losing skid.
May 19 points si Keyonte George para sa Jazz.
- Latest


















