^

PSN Palaro

Rondina engaged na kay Rosales

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Rondina engaged na kay Rosales
inanggap ni SEA Games beach volleyball gold medalist Sisi Rondina ang engagement ring ni Ron- niel Rosales sa isang intimate proposal sa Batanga City.
(photo@ Sisi Rondina Instagram)

MANILA, Philippines —  Matapos makuha ang kauna-unahang women’s beach volleyball gold me­dal ng Pilipinas sa nakaraang 33rd Southeast Asian Games sa Thailand ay gold ring naman ang nakamit ni Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina.

Inihayag kahapon ni Rondina ang kanilang engagement ni national beach volleyball player Ronniel Rosales sa Montemaria Shrine sa Batangas City.

“It’s a forever thing,” sabi ni Rondina sa kanyang social media post.

Dumalo sa nasabing intimate proposal ang mga pamilya at kaibigan nina Rondina at Rosales.

Wala pang pormal na pahayag sina Rondina at Rosales kung kailan ang petsa ng kanilang kasal.

Ang dalawang beach volleyball spikers ay bahagi ng Alas Pilipinas Women’s at Men’s team na sumabak sa 2025 Thailand SEA Games.

Nakatuwang ng 29-an­yos na si Rondina sa pagsikwat sa gold medal sina Bernadeth Pons, Dij Rodriguez at Sunny Villapando.

Miyembro rin ang tubong Compostela, Cebu ng Alas Pilipinas indoor team na nagbulsa ng back-to-back bronze medals sa SEA Games noong 2019 at 2021.

Matapos ang kanyang paglalaro sa beach volleyball ay babalik ang tinaguriang ‘Cherry Bomb’ sa indoor volleyball para sa kampanya ng Choco Mucho sa darating na 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence.

Makakatambal niya sa Flying Titans ang bagong hugot na si Eya Laure na naging teammate niya sa University of Santo Tomas sa UAAP.

RONDINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with