^

PSN Palaro

Gilas hari pa rin ng SEA Games

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas hari pa rin ng SEA Games
Nag-pose ang Gilas Pilipinas Men at Gilas Pilipinas Women na itinanghal na kampeon sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand.
Kuha ni Russell Palma

MANILA, Philippines — Kaliwa’t kanan ang p­roblemang hinarap ng ilang miyembro ng Team Philippines bago magsi­mula ang 2025 Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand.

Ilan ang naapektuhan sa pabago-bagong patakarang ipinatupad ng mga organizers partikular na sa eligibility ng mga atleta.

Isa sa tinamaan ang Gilas na makailang ulit na nagpalit ng players dahil sa mga regulasyon ng Thailand SEA Games organizers.

Nagkaaberya pa ang Gilas sa transportasyon nito mula airport patungong hotel.

“This has been a real­ly difficult journey. You guys don’t realize how difficult it was. I know I shut down from the media and I don’t talk because it seems like organizing committee would change the rules, so I decided not to make an announcement publicly anymore because they just used that information against us,” ani Gilas head coach Norman Black.

Subalit sa kabila nito, nagawa pa ring mapagtagumpayan ng Gilas ang lahat upang matamis na madepensahan ang korona nito sa harap ng host team Thailand.

Ngunit hindi naging madali ang lahat.

Kinailangan muna ng Gilas na dumaan sa butas ng karayom bago makuha ang ginto.

Nalusutan nito ang Indonesia sa semis sa iskor na 71-68 bago pinaiyak ang Thailand sa gold-me­dal match sa bendisyon ng 70-64 panalo.

Aminado si Black na hindi naging madali ang lahat.

Kaya naman itinuring nito ang kanyang panalo sa Thailand SEA Games bilang pinakamatamis na kampeonato sa kanyang coaching career.

Doble pa ang selebras­yon nang magkampeon din ang Gilas Women sa women’s division ng SEA Games.

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with