^

PSN Palaro

Alas Pilipinas teams bumida sa 2025

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Alas Pilipinas teams bumida sa 2025
Alas Pilipinas.
PNVF via Facebook

MANILA, Philippines — Hindi maikakailang nagpasikat ang mga Alas Pilipinas teams sa mga nilahukang international tournaments sa taong 2025.

Noong Hunyo ay inangkin ng national women’s volleyball team ang makasaysayang silver medal sa AVC Women’s Volleyball Nations Cup sa pamumuno ni team captain Jia de Guzman.

Matapos ito ay sumalang ang mga Pinay spikers sa SEA V.League kung saan nila inangkin ang back-to-back bronze sa dalawang yugto ng torneo at ipinarada sina UAAP standouts Angel Canino, Bella Belen at Shaina Nitura.

Ngunit minalas ang tropa sa 33rd SEA Games sa Thailand matapos matalo sa Vietnam sa semifinals at sa Indonesia para sa tansong medalya.

Ang nasabing kabiguan ay tinabunan ng tambalan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons at dalawahan nina Sunny Villapando at Dij Rodriguez nang angkinin ang kauna-unahang gold medal ng bansa sa women’s beach volleyball ng SEA Games.

Tinalo ng grupo sa finals ang Thailand, ang two-time SEA Games champions. Ibinulsa naman ng Alas Men ang bronze sa indoor volleyball sa likod nina Bryan Bagunas at Marck Espejo makaraang lusutan ang Vietnam.

Bago ito ay sumabak muna ang mga Pinoy hitters sa 32-nation FIVB Men’s World Championship kung saan sila nagtapos sa 19th place.

Tampok dito ang kanilang four-set victory laban sa African champion Egypt.

Samantala, bago ang Thailand SEA Games ay pinalitan ni Tonyboy Liao si Ramon ‘Tats’ Suzara bilang bagong pangulo ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF).

Matapos ang biennial event ay hindi na ni-renew ng PNVF ang kontrata ni Brazilian coach Jorge Souza de Brito para sa Alas Women.

ALAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with