^

PSN Palaro

Spain training camp nakatulong sa Red Lions

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bago sumabak sa NCAA Season 101 men’s basketball tournament ay sumabak muna ang San Beda University sa isang preseason training camp sa Spain.

Doon ay inaral ng Red Lions ang European style ng basketball sa ilalim ni Spain national team assistant coach Luis Guill.

Ito ang isa sa mga dinala ng San Beda para pagha­rian ang NCAA Season 101 kung saan nila winalis ang karibal na Colegio de San Juan de Letran sa kanilang best-of-three championship series.

“Nu’ng nagpunta kami ng Spain, nag-iba ang aura ng team namin, dynamics ng team namin na nakita ko from a leadership point of view,” sabi ni team captain Yukien Andrada.

Tinalo ng Red Lions ang Knights sa Game One, 89-70, at sa Game Two, 83-71, para kumpletuhin ang series sweep at sikwatin ang ika-24 NCAA title.

Nauna nang nagkampeon ang Mendiola-based cagers sa NCAA Season 99 bago masibak ng Bla­zers sa Final Four ng Season 100 na inangkin ng Mapua Cardinals.

Ang University of Perpetual Help System DALTA ang nanguna sa Group A, habang dikit ang San Beda at St. Benilde sa Group B sa eliminations.

“Of course, start ng season. I had confidence in them. I know people put us at number five and number six, but we always have confidence in ourselves and with one another,” ani coach Yuri Escueta sa kanyang Red Lions.

“Hindi ka papasok ng season na hindi ka confident na mag-champion ka,” dagdag ng two-time NCAA champion mentor.

Nang mapatawan si Fil-Am rookie sensation Janti Miller ng one-game suspension dahil sa dalawang technical fouls sa Game One ay si Andrada ang inasahan ni Escueta na magdadala sa San Beda.

Samantala, inangkin ng Letran Squires ang kanilang ika-15 titulo matapos ang 2-0 sweep sa Arellano Braves sa kanilang title series.

SPAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with