^

PSN Palaro

Giannis, Bucks pinigilan ang Bulls

Pilipino Star Ngayon
Giannis, Bucks pinigilan ang Bulls
Lumipad si Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo para sa kanyang dunk kontra sa Chicago Bulls.
STAR/ File

CHICAGO -- Humataw si Giannis Antetokounmpo ng 29 points sa kanyang pagbabalik mula sa isang eight-game absence para tulungan ang Milwaukee Bucks sa 112-103 pagsuwag sa Bulls.

Kumolekta rin ang two-time MVP na si Anteto­kounmpo, nagkaroon ng right calf strain, ng walong rebounds sa kanyang pagbabalik sa lineup ng Milwaukee (13-19) sapul noong Disyembre 3.

Nagdagdag si Ryan Rollins ng 20 points at humakot si Bobby Portis ng 17 points at 10 rebounds.

Nagtapos ang five-game winning streak ng Chicago (15-16) na nakahugot kina Nikola Vucevic at Coby White ng tig-16 points kasunod ang 13 markers ni Josh Giddey.

Hawak ang 95-94 bentahe sa huling limang minuto ng fourth quarter, nagsalpak sina Rollins at AJ Green ng tig-isang three-point shot bilang bahagi ng isang 8-0 atake para sa 103-94 kalama­ngan ng Bucks.

Hindi na nakadikit ang Bulls mula rito.

Sa iba pang laro, umes­kapo ang Orlando Ma­gic sa Denver Nuggets, 127-126; wagi ang Phoenix Suns sa New Orleans Pelicans, 123-114; pinasabog ng Houston Rockets ang Cleveland Cavaliers, 117-100; dinaig ng Brooklyn Nets ang Minnesota Timberwolves, 123-107; sinunog ng Miami Heat ang Indiana Pacers, 142-116; at lusot ang New York Knicks sa Atlanta Hawks, 128-125.

GIANNIS ANTETOKOUNMPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with