Lakers sabog sa Rockets

LOS ANGELES - Tumipa si Amen Thompson ng 26 points, 7 rebounds at 5 assists para pamunuan ang lima pang players na umiskor ng double figures sa 117-96 pagpapasabog ng Houston Rockets sa Lakers.
May 25 markers si Kevin Durant para sa Houston (18-10) na tinapos ang two-game losing skid.
Nagdagdag si Jabari Smith Jr. ng 16 markers habang may 14 at tig-13 points sina Alperen Sengun, Tari Eason at Reed Sheppard, ayon sa pagkakasunod.
Kumamada si Luka Doncic ng 25 points at may 18 markers si LeBron James para sa Los Angeles (19-10) na naglaro sa kanilang ika-27 sunod na Christmas Day game.
Nagtala sina Doncic at James ng pinagsamang 4-of-11 shooting sa three-point range at siyam sa kabuuang 16 turnovers ng Lakers na dinomina ng Rockets sa rebounding, 25-48.
Inilista ng Houston ang isang 14-point lead sa first quarter at tinangay ang 63-53 halftime lead bago ito pinalaki sa 23-point advantage sa third quarter mula sa inihulog na 18-5 bomba.
Mula rito ay hindi na nakalapit ang Los Angeles.
Sa iba pang laro, sinapawan ng San Antonio Spurs ang nagdedepensang Oklahoma City Thunder, 117-102; dinaig ng Golden State Warriors ang Dallas Mavericks, 126-116; tumakas ang New York Knicks sa Cleveland Cavaliers, 126-124; at nilusutan ng Denver Nuggets ang Minnesota Timberwolves via overtime, 142-138.
- Latest





















