Philippines triathletes na-food poison

MANILA, Philippines — Nagkasya si Pinay triathlete Kira Ellis sa silver, habang nagtakbo sina Kim Remolino at Fer Casares ng silver at bronze sa pagtatapos ng triathlon competitions ng 33rd Southeast Asian Games kahapon sa Laem Mae Phim Beach sa Thailand.
Ngunit lingid sa kaalaman ng mga fans ay nagkaroon ng kaso ng food poisoning ang national triathlon team.
Ang 19-anyos lamang na si Ellis ang nakalaro dahil dinala sa ospital si Raven Alcoseba matapos sumama ang pakiramdam.
“Gusto ng puso, ayaw ng katawan,” sabi ng isang miyembro ng triathlon delegation kay Alcoseba.
Inamin din ni Ellis na wala rin siya sa kondisyon matapos mag-overnight sa ospital mula sa kanyang pagsikwat sa gold medal sa women’s team relay at mixed team relay noong Miyerkules.
Sa kabila nito ay nakuha pa rin ni Ellis ang silver sa individual competition.
Sina Remolino at Caseres ay sumama rin ang pakiramdam.
- Latest



















