Gilas Women inangkin ang gold

MANILA, Philippines — Muling napasakamay ng Gilas Pilipinas Women ang basketball gold medal matapos itakas ang 73-70 panalo laban sa host Thailand sa 33rd Southeast Asian Games kahapon sa Nimibutr National Stadium.
Winalis ng mga Pinay cagers ang lahat ng kanilang apat na laro para muling magreyna sa ikatlong pagkakataon sa huling apat na edisyon ng women’s basketball tournament sa regional meet.
Kinuha ng Gilas Women ang 10-point lead, 65-55, mula sa isang left-handed floater ni Sophia Dignadice sa 1:20 minuto ng fourt period.
Nakadikit ang mga Thais sa 70-72 sa huling minuto ng laro.
Ang krusyal na supalpal ni Kacey Dela Rosa at free throw ni Jack Cabinbin ang muling naglayo sa Nationals sa 73-70 sa huling 16.9 segundo.
- Latest



















