Team Philippines nakasingit ng 3 golds
MANILA, Philippines — Mula sa nahakot na walong gintong medalya noong Miyerkules ay tatlo lamang ang nakolekta ng Team Philippines sa papatapos na 33rd Southeast Asian Games kahapon sa Thailand.
Tampok dito ang panalo ni Pinay tennis sensation Alex Eala laban kay Mananchaya Samangkaew ng Thailand, 6-1, 6-2, sa finals sa women’s singles event.
Tinapos ng 20-anyos na si Eala ang 26 taon na pagkauhaw ng bansa sa gintong medalya sa nasabing kompetisyon.
Dinomina naman ng RP Blu Boys ang Singapore, 3-0, sa pangunguna ni pitcher Jehanz Maristela Coro sa men’s softball tournament.
Ito ang pang-siyam na ginto ng mga Pinoy slug-gers sa SEA Games.
Nakaganti rin sila sa mga Singaporean batters na tumalo sa kanila sa 2019 Philippines edition na inilaro sa Clark, Pampanga.
Nag-ambag din ng gold si Michael Ver Comaling sa men’s modern pentathlon triathle event.
Nagposte ang Team Philippines ng 41 golds, 59 silvers at 126 bronzes at nahulog sa sixth place sa overall medal stadings na binanderahan ng Thailand sa natuhog na 196 golds, 129 silvers at 92 bronzes.
Misyon ng mga Pinoy athletes na mapaganda ang fifth place finish sa naiuwing 58 golds noong 2023 SEA Games na idinaos sa Cambodia.
Pangalawa ang Indonesia na may 80 ginto, 91 pilak at 102 tanso kasunod ang Vietnam (71-72-99), Singapore (48-51-69) at Malaysia (46-49-108).
Noong Huwebes ay walong gintong medalya ang hinakot ng mga Pinoy athletes sa pangunguna ng pagwalis ng mga triathletes sa tatlong events.
Samantala, may pilak si Arian Geralin Carpio sa women’s freestyle -62kg ng wrestling at sina Merry Joy Trupa, Franklin Ferdie Yee, Erika Nicole Burgos at John Patrick Ciron sa mixed duathlon relay event.
May pilak din si Shyra Mae Aranzado sa women’s modern pentathlon triathle at sina chess players Jan Emmanuel Garcia at Paulo Bersamina sa men’s makruk doubles standard event.
Sa wrestling, nagpatumba ng tansong medalya sina Jason Baucas at Callum Johnston Roberts sa wrestling Greco-Roman competitions.
Ito rin ang nakuha ni Rea Grace Cervantes sa women’s freestyle -53kg.
Sa men’s football, bigo ang Philippine Under-22 team sa Malaysia sa kanilang agawan sa bronze.
Samantala, apat na boxers ang magtatangkang makasuntok ng gintong medalya sa kanilang pagpasok sa finals ngayong araw.
- Latest




















