Giant Risers puwede pa sa quarterfinals

MANILA, Philippines — Binuhay ng Titan Ultra ang pag-asa sa quarterfinals matapos patumbahin ang sibak nang Phoenix, 127-119, sa Season 50 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Humakot si veteran forward Calvin Abueva ng 35 points, 17 rebounds at 4 assists para sa back-to-back wins ng Giant Risers at itaas ang baraha sa 4-7.
Subsob ang Fuel Masters sa ikalawang dikit na kabiguan para sa 3-8 marka.
“Itong game na ito important para sa amin, one step ahead, Ginebra na lang quarters na kami,” sabi ng 37-anyos na si Abueva sa hangad nilang mapasama sa eight-team quarterfinals cast.
Ipinoste ng Phoenix ang 90-79 kalamangan sa huling 1:37 minuto ng third period mula sa 60-56 halftime lead.
Ngunit unti-unting nakabangon ang Titan Ultra sa fourth quarter at inagaw ang 121-117 bentahe galing sa four-point shot ni Joshua Munzon sa huling 30.7 segundo.
Ang basket ni Evan Nelle ang naglapit sa Fuel Masters sa 119-121 sa natitirang 24.4 segundo kasunod ang apat na free throws nina Fran Yu at Abueva para sa 125-119 abante ng Giant Risers sa huling 11.8 segundo.
Samantala, magtutuos ang Rain or Shine (7-2) at Magnolia (6-3) ngayong alas-11 ng gabi sa Khalifa Sports City Stadium sa Bahrain.
- Latest

















