^

PSN Palaro

Giannis-less Bucks sinuwag ang Celtics

Pilipino Star Ngayon
Giannis-less Bucks sinuwag ang Celtics
inasok ni Kyle Kuzma ng Milwaukee Bucks ang depensa ng Boston Celtics para sa kanyang layup.
STAR/ File

MILWAUKEE - Kumana si Kyle Kuzma ng season-high 31 points at kumolekta si Bobby Portis ng 27 points at 10 rebounds sa 116-101 pagsuwag ng Bucks sa Boston Celtics.

Nagsalpak din si Portis ng limang three-point shots habang tumipa si Kevin Porter Jr. ng triple-double na 18 points, 10 rebounds at 13 assists.

Naglaro ang Milwaukee (11-15) sa ikatlong sunod na pagkakataon na wala si injured star Giannis Antetokounmpo na may strained right calf.

Kumakamada si Antetokounmpo ng mga ave­rages na 28.9 points at 10.1 rebounds at inaasa­hang mawawala sa aksyon ng apat na linggo.

Umiskor si Jaylen Brown ng 30 points kasunod ang 20 markers ni Jordan Walsh sa pagtatapos ng five-game winning streak ng Boston (15-10).

Ang dalawang triple ni Portis ang nagbigay sa Milwaukee ng 95-82 kalamangan sa pagbubukas ng fourth quarter.

Nauna nang kinuha ng Celtics ang 67-60 halftime lead sa likod ni Brown.

Isang 11-0 atake ang pinamunuan ni Kuzma sa gitna ng third period na nagtabla sa Milwaukee sa 71-71 bago tuluyang iwanan ang Boston sa 106-89 sa 6:49 minuto ng fourth quarter

Sa iba pang laro, lusot ang Houston Rockets sa Los Angeles Clippers, 115-113; panalo ang New Orleans Pelicans sa Portland Trail Blazers, 143-120; tinalo ng Denver Nuggets ang Sacramento Kings, 136-105.

KYLE KUZMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with