Jimuel Pacquiao nagkasya sa majority draw

MANILA, Philippines — Sumampa na sa pro boxing si Jimuel Pacquiao — ang panganay na anak ni eight-division world champion Manny Pacquiao.
At sa kanyang pro debut, nagkasya lamang si Jimuel sa majority draw laban kay American Brendan Lally sa kanilang four-round lightweight bout kahapon na ginanap sa Pechanga Resort and Casino sa Te-mecula, California.
Pumabor kay Jimuel ang isang hurado na nagbigay ng 39-37 desisyon ngunit parehong nagtala ng 38-38 draw ang dalawa pang judges dahilan para mauwi ang laban sa majo-rity draw.
Hindi naman kuntento si Jimuel sa ipinamalas nito at umaasang magkakaroon ng mas magandang performance sa oras na muli itong tumuntong sa ring.
“I could have done better. I got to do better,” ani Jimuel sa panayam ng FightHype.
Alam ni Jimuel na malaki ang pagkakaiba ng pro bo-xing sa amateur kaya’t desidido itong muling bumalik sa training para magkaroon ng solidong resulta sa kanyang susunod na laban.
“For the next time, I’m definitely pushing it more. Now that I experienced it, it’s different from the amateurs. I only have 10 fights in the amateurs and this is a big fight. Next time I’m definitely pushing it harder,” ani Jimuel.
Excited nang umuwi si Jimuel para makasama ang kanyang pamilya. Kapapanganak lang ng pa-nganay nito na may isang linggo pa lamang.
“It was tough because my baby is now a week old. It was hard leaving them right away but no excuses. I could have done better and I will do better next time,” ani Jimuel.
Personal na nanood ng laban ang parents ni Jimuel na sina Manny at Jinkee para suportahan ang kanilang anak
- Latest


















