Giannis, Bucks tinapos ang pagbulusok
MILWAUKEE - Kumamada si Giannis Anteto-kounmpo ng 29 points para maitala ang 21,000-point mark sa kanyang career sa 116-99 pagsuwag ng Bucks sa Brooklyn Nets.
Tinapos ng Milwaukee (9-12) ang kanilang seven-game losing slump.
Nasa kanyang ikalawang pagsalang matapos mawala ng apat na laro dahil sa groin strain, si Antetokounmpo ang naging ika-42 player at ikaanim na pinakabata sa NBA history na umiskor ng 21,000 career points matapos isalpak ang isang 3-pointer sa gitna ng third quarter.
Nagdagdag si A.J. Green ng 15 points at may tig-13 markers sina Bobby Portis Jr. at Kevin Porter Jr.
Pinamunuan ni rookie Danny Wolf ang Brooklyn (3-16) sa kanyang career-high 22 points kasama ang limang triples kasunod ang 13 markers ni Jalen Wilson.
Umiskor ang Bucks ng 39 points sa second quarter para ibaon ang Nets sa 71-53 sa halftime.
Lalo pang iniwanan ng Milwaukee ang Brooklyn sa kanilang 92-60 abante sa huling limang minuto ng third quarter.
Sa iba pang laro, lusot ang Detroit Pistons sa Mia-mi Heat, 138-135; wagi ang Indiana Pacers sa Chicago Bulls, 103-101; tinalo ng Golden State Warriors ang New Orleans Pelicans, 104-96; at giniba ng Denver Nuggets ang Phoenix Suns, 130-112.
- Latest























