^

PSN Palaro

Giannis-less Bucks bigo sa Pistons

Pilipino Star Ngayon

MILWAUKEE - Kumolekta si Cade Cunningham ng 29 points, 10 assists at 8 rebounds para gabayan ang Detroit Pistons sa 129-116 pagdaig sa Bucks at ilista ang ika-12 sunod na ratsada.

Nagdagdag si Jalen Duren ng 19 markers para sa Detroit (14-2) at may 18 at 15 points sina Tobias Harris at Duncan Robinson, ayon sa pagkakasunod.

Hindi naglaro si Giannis Antetokounmpo para sa Mil­waukee (8-9) sa ikalawang sunod na pagkakataon dahil sa kanyang adductor strain.

Nauna nang nagposte ang Pistons ng kanilang longest winning streak sa franchise history sa 13 sunod na arangkada noong 1989-90 at noong 2003-04 kung saan sila parehong nanalo ng NBA title.

Tinapos din nila ang isang 13-game losing skid sa Bucks simula noong Enero 3, 2022.

Mula sa 69-52 halftime lead ay hindi na nilingon ng Detroit ang Milwaukee sa second half.

Sa iba pang laro, lusot ang Chicago Bulls sa Wa­shington Wizards, 121-120; panalo ang Memphis Grizzlies sa Dallas Mavericks, 102-96; tinalo ng Sacramento Kings ang Denver Nuggets, 128-123; wagi ang Orlando Magic sa New York Knicks, 133-121; at dinagit ng Atlanta Hawks ang New Orleans Pelicans, 115-98.

CADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with