^

PSN Palaro

Mapua kailangang manalo sa Arellano

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang panalo lang ang kailangan ng nagdedepensang Mapua University para masikwat ang No. 2 berth at ang ‘twice-to-beat’ incentive sa Group A.

Sumasakay sa isang three-game winning streak, haharapin ng Cardinals ang Arellano Chiefs nga­yong alas-12 ng tanghali sa second round ng NCAA Season 101 men’s basketball tournament sa FilOil Centre sa San Juan City.

Sa ikalawang laro sa alas-2:30 ng hapon magtutuos ang St. Benilde Bla­zers at Emilio Aguinaldo College Generals.

Hawak ng Perpetual Help ang liderato sa Group A sa bitbit na 8-4 kartada habang bandera ang San Beda sa Group B tangan ang 9-3 record.

May ‘twice-to-beat’ bonus ang Red Lions at Blazers kagaya ng Altas, habang makukuha ng Cardinals ang insentibo kung tatalunin ang Chiefs.

MAPUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with