^

PSN Palaro

Bucks sinisiw ng Lakers

Pilipino Star Ngayon
Bucks sinisiw ng Lakers
Nag-agawan sa bola sina Luka Doncic ng Los Angeles Lakers at Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks.
STAR/ File

MILWAUKEE -  Nag­hulog si Luka Doncic ng 41 points habang naglista si Austin Reaves ng 25 points para giyahan ang Los Angeles Lakers sa 119-95 pagsisiw sa Bucks.

Humakot si Deandre Ayton ng 20 points at 10 rebounds para sa Los A­ngeles (10-4) na naglaro na wala sina Rui Hachimura (calf tightness) at Marcus Smart (illness).

Ito naman ang ika-14 sunod na pagkakataon na hindi sumalang si LeBron James dahil sa kanyang sciatica.

Kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 32 points at 10 rebounds sa panig ng Milwaukee (8-6) na nakahugot kina AJ Green at Gary Trent Jr. ng 15 at 13 markers, ayon sa pagkakasunod.

Kinuha ng Lakers ang 30-18 abante sa first quarter bago humataw ang Bucks ng 38 points sa kabuuan ng third period para sa kanilang 14-point deficit.

Muling bumida si Doncic at inilayo ang Los Angeles sa 20-point advantage sa final canto.

Sa iba pang laro, giniba ng defending champion Oklahoma City Thunder ang Charlotte Hornets, 109-96; pinulutan ng Toronto Raptors ang Indiana Pa­cers, 129-111; tinalo ng Denver Nuggets ang Minnesota Timberwolves, 123-112; at tinusok ng Cleveland Cavaliers ang Memphis Grizzlies, 108-100.

BUCKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with