^

PSN Palaro

Belmonte magdadagdag ng events sa MB Cup

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Belmonte magdadagdag ng events sa MB Cup
Si Quezon City District 2 Councilor Mikey Belmonte (ikalawa sa kanan) kasama sina technical committee head Teng Torcuator, head commissioner Rensy Bajar at commissioner MJ Dasig.
Chris Co

MANILA, Philippines —  Mahigit 1,700 kabataang atleta mula sa 114 barangay ang magbabakbakan sa 2025 Mikey Belmonte (MB) Cup Season 2 na naglalayong tumulong para palakasin ang grassroots development program sa bansa.

Pinangunahan ni District 2 Councilor Mikey Belmonte ang pagtataguyod ng MB Cup katuwang sina head commissioner at PBA coach Rensy Bajar, technical committee head Teng Torcuator at commissioner MJ  Dasig.

“Dito sa MB Cup, ang main goal natin mag-build ng character, discipline and respect sa ating mga young athletes dito sa Quezon City. Hindi lang ito one time, big time,” ani Belmonte sa press conference kahapon sa MRB Gymnasium sa Bar­angay Commonwealth, Quezon City.

Layunin ni Belmonte na mas lalo pang luma­wak ang MB Cup upang magkaroon ng venue ang mga kabataang atleta sa lungsod para ipamalas ang kanilang husay.

Magandang daan din ito upang makatuklas ng mga talentong posibleng ma­ging mahusay na atleta at maging bahagi ng mas lalaking torneo kagaya ng PBA, UAAP, NCAA o maging bahagi ng national team.

“Ang target natin is palawakin itong MB Cup natin, simulan sa basketball pero magdadagdag tayo ng mga sports. We want sus­tai­nable sports program to help develop good athletes from the grassroots level,” ani Belmonte.

Ayon kay Belmonte, ilan sa mga lumahok sa Season 1 ng liga ay nakakuha ng athletic scholarships ma­tapos hugutin ng iba’t ibang kolehiyo at unibersi­dad.

MIKEY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with