Pacers inihulog ng Suns sa 1-11
PHOENIX - Kumamada si Devin Booker ng 33 points, habang may 32 markers si Dillon Brooks sa 133-98 pagsunog ng Suns sa Indiana Pacers.
rin si Booker ng pitong assists at limang rebounds para sa pang-limang sunod na arangkada ng mainit na Phoenix (8-5).
Nag-ambag si Oso Ighodaro ng 17 points, 7 rebounds at 3 blocks mula sa bench.
Pinamunuan ni guard Andrew Nembhard ang Indiana (1-11) sa kanyang 21 points kasunod ang 19 markers ni power forward Pascal Siakam.
Inilista ng Suns ang isang 20-point lead sa kaagahan ng third quarter na naputol ng Pacers sa 73-83.
Isang 16-0 atake ang pinakawalan ng Phoenix tampok ang 10 sunod na puntos ni Booker para muling iwanan ang Indiana sa 106-84 sa fourth period.
Sunod na lalabanan ng Suns ang Toronto Raptors.
Laglag ang Pacers, hinirang na 2025 Eastern Conference champions, sa ikaanim na dikit na kamalasan.
Sa iba pang laro, dinakma Atlanta Hawks ang Utah Jazz, 132-122, samantalang pinadapa ng Raptors ang Cleveland Cavaliers, 126-113.
- Latest



















