Madayag umukit ng PVL history

MANILA, Philippines — Ito ay matapos siyang magtala ng career-high 10 blocks sa 20-25, 22-25, 26-24, 19-25 kabiguan ng Flying Titans sa ZUS Coffee Thunderbelles sa 2025 PVL Reinforced Conference noong Sabado ng gabi sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.
Dinuplika ni Madayag, dating Ateneo de Manila University star blocker sa UAAP, ang 10 blocks na naitala ni Riri Meneses noong 2021 Open Conference para sa Petro Gazz sa kanilang 25-17, 25-18, 25-17 panalo sa Perlas Spikers.
Ang 5-foot-11 middle blocker ng Choco Mucho ang nangunguna ngayon sa karera para sa Best Blocker award sa 2025 Reinforced Conference mula sa kanyang average na 1.19 blocks per set (25 total).
Bukod sa PVL ay naglista rin ang 27-anyos na tubong Davao City ng kasaysayan sa UAAP nang magposte ng 11 blocks sa Season 81 sa paggiya sa Ateneo laban sa University of Santo Tomas, 19-25, 22-25, 27-25, 25-22, 15-11.
Ang blocking ability ni Madayag ang kakailanganin ng Choco Mucho para buhayin ang tsansa sa quarterfinal round ng PVL Reinforced Conference.
Laglag ang Flying Titans sa 2-5 baraha at dapat maipanalo ang huling dalawang laro sa second round laban sa nagdedepensang Creamline Cool Smashers (4-2) sa Huwebes at sa Akari Chargers (3-3) sa Nobyembre 18.
Pasok na ang Thunderbelles (6-0) sa knockout quarterfinals habang isang panalo pa ang kailangan ng PLDT High Speed Hitters (5-1).
Wala na sa kontensyon ang Nxled Chameleons (0-6) at Galeries Tower Highrisers (0-6).
- Latest


















