Perpetual sinilat ng Baste
MANILA, Philippines — Tinakasan ng San Sebastian College-Recoletos ang University of Perpetual Help System DALTA, 62-61, sa Group A sa second round ng NCAA Season 101 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.
Dumiretso ang Stags sa ikalawang sunod na panalo para sa 3-7 baraha at makasilip ng tsansa sa ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals, habang pinigilan ang four-game winning streak ng Altas para sa 8-2 marka.
Ang krusyal na three-point shot ni Jhuniel Dela Rama sa huling 48.1 segundo ng fourth quarter ang nagbigay sa Baste ng 62-58 bentahe.
Nakadikit ang Perpetual sa 61-62 mula sa triple ni JP Boral para sa huli nilang pagtatangkang maagaw ang panalo.
Tumapos si Dela Rama na may 15 points at 10 rebounds para muling banderahan ang Stags.
Tanging si Patrick Sleat ang umiskor ng double di-gits sa panig ng Altas mula sa kanyang 11 points.
Sa unang laro, binawian ng Letran Knights ang Jose Rizal Heavy Bombers, 85-71, para sumosyo sa No. 2 spot sa Group B.
Tumabla ang Knights sa St. Benilde Blazers sa ikalawang puwesto sa magkatulad nilang 6-4 baraha at tinapos ang two-game winning run ng JRU (5-5).
Naglista si Jimboy Estrada ng 20 points, 3 rebounds at 3 assists para sa Knights at nagtala si Kevin Santos ng 17 points, 7 boards, 3 steals at 2 blocks.
- Latest






















