Alas Pilipinas U16 umiskor sa Iran

AMMAN, Jordan -- Sinapawan ng Alas Pilipinas girls team ang mas matangkad na Iran, 25-21, 25-22, 25-22, papasok sa second round ng 2nd Asian Volleyball Confederation Asian Women’s U16 Volleyball Championship dito sa Princess Sumaya Hall.
Pumalo ang 14-anyos na si Xyz Rayco ng Saint Michael College of Caraga ng 13 points mula sa siyam na kills, tatlong blocks at isang ace para ibangon ang tropa mula sa naunang four-set defeat sa defending champion Japan.
Nagdagdag si Madele Gale ng siyam na marka kasama ang game-winning joust.
May pitong puntos si Nadeth Herbon kasunod ang anim na marka ni Merish Beltran.
Nakatengga pa ang puwesto ng Alas Pilipinas girls sa second round dahil sa resulta ng huling Pool B game sa pagitan ng Japan at Iran.
Posibleng makatapat ng mga Pinay spikers ang Pool D top seed o second seed na paglalabanan ng mga unbeaten teams Thailand at Chinese Taipei.
“We were hoping to at least take a set against Iran, and we started off with a good score. We just told ourselves to take it one set at a time. And it worked,” sabi ni Alas U16 head coach Edwin Leyva.
- Latest




















