Kings nakawala sa Milwaukee Bucks

MILWAUKEE - Bumira si Zach LaVine ng 31 points, habang may 29 markers si DeMar DeRozan para banderahan ang Sacramento Kings sa 135-133 pagtakas sa Bucks.
Naiwanan ang Milwaukee (4-2) sa 102-108 papasok sa final period at nakadikit sa 132-133 sa huling 51 segundo matapos ang three-point shot ni center Myles Turner.
Mintis si DeRozan sa kanyang pullup jumper sa posesyon ng Sacramernto (2-4).
Minalas naman ang Bucks na samantalahin ito nang magkaroon ng turnover si Giannis Antetokounmpo sa nalalabing 19 segundo.
Ipinasok ni point guard Dennis Schroder ang dalawang free throws sa huling 14.8 segundo para ibigay sa Kings ang 135-132 abante.
Ang free throw ni A.J. Green ang naglapit sa Milwaukee sa 133-135 sa natitirang 1.1 segundo.
Kumolekta si Domantas Sabonis ng 24 points at 13 rebounds at umiskor din si Schroder ng 24 markers para sa Sacramento.
Tumapos si Antetokounmpo na may 26 points, 11 rebounds at 8 assists sa panig ng Bucks.
Sa iba pang laro, pinulutan ng Minnesota Timberwolves ang Charlotte Hornets, 122-105; dinispatsa ng Indiana Pacers ang Golden State Warriors, 114-109; sinunog ng Phoenix Suns ang Boston Celtics, 128-101; at pinatumba ng Detroit Pistons ang Dallas Mavericks, 122-110.
- Latest


















