Elasto Painters sumalo sa liderato

MANILA, Philippines — Ipininta ng Rain or Shine ang ikatlong sunod na panalo matapos isalya ang Terrafirma, 106-91, sa PBA Season 50 Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Kumana si Leonard Santillan ng 26 points para sa 4-1 kartada ng Elasto Painters na sumosyo sa mga nangungunang NLEX Road Warriors at TNT Tropang 5G.
Nag-ambag si Keith Datu ng 12 markers habang may tig-11 at 10 markers sina Felix Lemetti, Jhonard Clarito at Adrian Nocum, ayon sa pagkakasunod.
“Nag-struggle kami with their zone, then it’s a good thing again that our three-point shots fell in at the right time,” sabi ni coach Yeng Guiao. “Iyong mga three-point shots ni Santi malaking bagay.”
Kumamada si Jerrick Ahanmisi ng 25 points sa panig ng Dyip (1-4) at may 20 markers si Paolo Hernandez kasunod ang 17 points ni rookie JM Bravo.
Muntik mabalewala ang itinayong 17-point lead ng Rain or Shine sa third period nang makatabla ang Terrafirma sa pagsasara nito, 75-75, matapos maghulog ng isang 20-2 bomba sa likod ni Ahanmisi.
Isang 19-9 atake ang inilunsad ng Elasto Painters sa fourth quarter para ilista ang 94-84 abante sa 4:43 minuto nito.
Ang ikalawang sunod na three-point shot ni Santillan ang naglubog sa Dyip sa 97-83 bago tuluyang makalayo sa 106-91 sa huling 1:34 minuto ng laro.
Lugmok ang Terrafirma sa ikatlong sunod na kamalasan.
Kasalukuyan pang naglalaro ang Magnolia at Phoenix kagabi habang isinusulat ito.
Elasto Painters sumalo sa liderato
RCadayona

- Latest