^

PSN Palaro

Eala-Kichenok pasok sa Guangzhou Open doubles semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala-Kichenok pasok sa Guangzhou Open doubles semis
Alex Eala
STAR / File

MANILA, Philippines —  Tuloy ang matikas na ratsada ni Alex Eala sa doubles matapos magmartsa sa semifinals ng Guangzhou Open kahapon sa Nansha International Tennis Center sa Guangzhou, China.

Hindi maawat si Eala at Ukrainian partner nitong si Nadiia Kichenok nang pataubin ng dalawa sina Russian netters Polina Kudermetova at Kamilla Rakhimova sa pamamagitan ng 6-3, 7-5 desisyon sa quarterfinals.

Maganda ang simula nina Eala at Kichenok na mabilis na nakuha ang first set matapos maglatag ng solidong laro.

Subalit bahagyang pu­malag ang Russian duo na sinubukang makabalik sa porma para maipuwersa ang third set.

Agad naman itong nasawata nina Eala at Kichenok para tuluyang tuldukan ang paghahabol ng Russian bets.

Nagsumite sina Eala at Kichenok ng 79 porsi­yento sa first serve habang may dalawang aces itong nagawa.

Nagrehistro ang Russians ng tatlong aces ngunit nakagawa naman ito ng limang double faults partikular na sa mga krusyal na sandali ng laban.

Target nina Eala at Kichenok na masungkit ang tiket sa finals ng 25-level WTA tournament na may nakalaang mahigit na $275,000 premyo.

Haharapin nina Eala at Kichenok ang mananalo sa pagitan nina American pair Elena Pridankhina at Quinn Gleason, at nina Katarzyna Piter ng Poland at Janice Tjen ng Indonesia.

EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with