^

PSN Palaro

La Salle itutuloy ang ratsada sa 3

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Tangka ng last year’s runner-up De La Salle University na pahabain ang kanilang winning streak sa tatlo pagharap nila sa mabalasik na University of Sto. Tomas sa second round ng UAAP Season 88 men’s basketball tournament na lalaruin sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay  City nga­yong araw.

Magsisimula ang bakbakan ng Green Archers at Growling Tigers sa alas-4:30 ng hapon pagkatapos ng banatan sa pagitan ng Adamson University at University of the East sa ala-1:30 ng hapon.

Tangan ng Taft-based squad  ang 4-3 karta, sakaling makalos nila ang UST, (5-2) ay magkakaroon ng three-way tie sa No. 3 spot.

Kasalukuyang nasa pangalawang puwesto ang UST na may 5-2 card habang solo sa tersero ang defending champion University of the Philippines na hawak ang 5-3 baraha.

Sa panalo ng Green Archers sa Fighting Maroons sa kanilang huling laban ay sina Luis Pablo, Mike Phillips, Jacob Cortez at EJ Gollena ang kumamada sa opensa kaya naman asahang sila pa rin ang huhugutan ng puwersa ng kanilang koponan.

Kumana si Pablo ng 14 points habang tig-12 puntos ang inambag nina Phillips, Cortez at Gollena nang payukuin ang karibal na UP, 72-69, noong Oktubre 19.

DE LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with