Wrong mistake
Anong klaseng kontrata kaya ang pinirmahan ni Jamie Malonzo sa Kyoto Hannaryz ng Japan B. League?
‘Yan ang tanong dahil after five games eh nilaglag na ng Kyoto ang 29-year-old na PBA All-Star player.
Healthy na si Malonzo. Kaya ewan ko kung bakit ganun-ganun lang eh sibak na siya sa team.
Per game kaya ang kontrata niya? Or talagang dehins na-impress ang Kyoto at binitiwan na siya. Pwede rin na nagkaroon ng buyout sa contract niya.
Meaning kahit one conference or one season ang pinirmahan niya, pwede siya bayaran ng buo basta umalis na siya.
Ang sabi ni Malonzo, maayos ang ending. Mutual daw.
Pero gaya ng title ng kanta ng nasirang Hajji Alejandro, “Nakapagtataka.”
Sabi ni Malonzo, may kausap na siya sa Japan dahil gusto niya ipagpatuloy ang career niya doon.
Well, no choice siya actually dahil nung iwan niya ang Ginebra, sinampahan siya ng PBA ng three-year ban na para sa players na gusto umalis para maglaro overseas.
Nagkamali yata ng diskarte.
- Latest


















