^

PSN Palaro

Road warriors binangga ng Dyip

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Road warriors binangga ng Dyip
Isang hard foul ang ibinigay ni NLEX big man Brandon Ramirez kay Louie Sangalang ng Ter rafirma. (PBA Image
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Nakamit ni Terrafirma rookie coach Ronald Tubid ang kanyang unang panalo sa PBA Season 50 Philippine Cup.

Ito ay matapos banggain ng Dyip ang NLEX Road Warriors, 97-91, tampok ang 18 points ni No. 56 overall pick JM Bravo kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Huling nanalo ang Terrafirma noong Abril 5 sa pagbubukas ng Season 49 Philippine Cup kung saan nila dinaig ang Phoenix, 95-87.

“Good thing naka-bounce back kami at hindi mabaon. Nag-respond talaga iyong mga bata sa challenge,” ani Tubid sa naunang 87-107 kabiguan ng Dyip sa Blackwater Bossing.

Hindi nasundan ng Road Warriors ang ka­nilang 85-84 paglusot sa nagdedepensang San Miguel Beermen.

Muntik mabalewala ang itinayong 16-point lead ng Terrafirma, 78-62, sa pagbubukas ng fourth quarter nang makalapit ang NLEX sa 91-93 sa huling 59.4 segundo.

Ang scoop shot ni Jerrick Ahanmisi ang muling naglayo sa Dyip sa 95-91 sa natitirang 37.1 segundo, habang ang undergoal shot ni Bravo sa huling 12.3 segundo ang sumelyo sa kanilang panalo sa Road Warriors.

Nagdagdag si Ahanmisi ng 14 points para sa Terrafirma habang may tig-13 at 11 markers sina Paolo Hernandez, Didat Hanapi at Louie Sangalang, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan nina JB Bahio at Xyrus Torres ang NLEX sa kanilang tig-14 points kasunod ang tig-13 markers nina Jonnel Policarpio at Brandon Ramirez.

Kasalukuyan pang naglalaro ang Beermen at Fuel Masters habang isinusulat ito kagabi.

NLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with