^

PSN Palaro

Jia focus muna sa Alas Pilipinas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Jia focus muna sa Alas Pilipinas
Jia Morado
STAR/File

MANILA, Philippines — Nakasentro muna ang atensiyon ni setter Jia Morado sa Alas Pilipinas

Naghahanda ang Alas Pilipinas para sa 2025 Southeast Asian Games na gaganapin sa Disyembre sa Bangkok, Thailand.

Hindi muna lalaro si Morado para sa Creamline Cool Smashers sa PVL Reinforced Conference subalit tiniyak nito na masisilayan na ito sa aksyon sa All-Filipino Conference sa susunod na taon.

Hangad ni Morado na tulungan ang Alas Pilipinas na makapagbigay ng magandang laban sa FIVB Women’s Volleyball World Championship na gaganapin sa bansa sa 2029.

Umaasa si Morado na magsasanib-puwersa ang lahat ng volleyball stakeholders upang maitaguyod ng matagumpay ang FIVB Worlds kasabay na rin sa pagsuporta upang mapalakas ang Alas Pilipinas.

“Sana all of the teams, all of the clubs, all of the universities can support us behind this because the world is already seeing how good Philippines is,” ani Morado.

Maganda ang resulta ng hosting ng bansa ng FIVB Men’s Volleyball World Championship kamakailan na ginanap sa Mall of Asia Arena at Smart Araneta Coliseum.

May 16 buwan lamang ang paghahanda ng Alas Pilipinas men’s team kung saan maganda rin ang kanilang kampanya.

Nagtapos sa ika-19 posisyon ang Alas Pilipinas men’s team matapos magtala ng 1-2 rekord sa Pool A.

Halos makapasok pa ito sa knockout stage subalit humulagpos sa kamay ng Alas Pilipinas ang pagkakataon matapos yumuko sa Asian champion Iran sa do-or-die game sa isang five-setter match.

“16 months lang ang preparation ng men’s team then ganun kaganda ang pinakita nila,” ani Morado.

Excited na si Morado dahil may apat na taon pa ang Alas Pilipinas women’s para paghandaan ang FIVB Worlds.

Nais nitong makapagbigay ng magandang laban ang Alas Pilipinas women’s lalo pa’t lalahukan ang torneo ng matitikas na teams mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kabilang na rito ang defending champion Italy gayundin ang mga powerhouse teams na Brazil, United States, Poland, China, Japan at Turkey.

“Nung nalaman ko na magho-host tayo ng FIVB Worlds, nadagdagan na naman yung goals ko,” ani Morado.

JIA MORADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with