^

PSN Palaro

Pang matagalan

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

May ibubuga pa si Calvin Abueva.

Sa edad na 37, kumana si Calvin sa debut ng Titan Ultra, ang newest team sa PBA, nang talunin nito ang Meralco last Wednesday.

Umiskor ng 41 points si Calvin sa 100-96 na panalo ng Titan Ultra, na isang uri ng vitamins o supplement – para sa kalalakihan.

“Thirty-seven years old, forty-one points. Batang bata,” sabi ni Calvin.

Kung anuman ang pinainom nila kay Calvin, ma­ganda ang epekto.

“Dapat talaga dito, matigas ang dibdib mo,” pabirong sabi ni coach Johnedel Cardel.

At least, nakaisa na ang Titan. Tanggal na ang pressure na nararamdaman ng bagong team na minsan eh dinudugo bago makatikim ng panalo.

Second oldest player sa PBA history si Calvin na umiskor ng 40 points or more. In fact, ang basa ni Fidel Mangonon, ang “Mr. Statistics” ng PBA, two months younger lang siya kay Ramon Fernandez ‘nung umiskor ito ng 41 points din sa 1991 All-Filipino.

Thirty-seven years old din si Don Ramon noon at naglalaro para sa San Miguel.

Ewan natin, baka sa mga susunod na game ng Titan Ultra eh ma-break ni Calvin ang record.

Konting vitamins pa.

CALVIN ABUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with