^

PSN Palaro

PBAPC Executive Award kay Pangilinan

Pilipino Star Ngayon
PBAPC Executive Award kay Pangilinan
Sports patron Manny V. Pangilinan

MANILA, Philippines — Igagawad kay Manny V. Pangilinan ang sarili niyang MVP plaque sa 31st PBA Press Corps Awards Night bukas sa Novotel Manila Araneta City.

Ang managing director at CEO ng Hong Kong-based First Pacific Company ang bibigyan ng Danny Floro Executive of the Year award matapos ang matagumpay na kampanya ng TNT Tropang 5G – ang flagship team sa ilalim ng MVP umbrella.

Inangkin ng Tropang 5G ang PBA Season 49 Governors’ Cup at Commissioner’s Cup bago nabigo sa hangad na Grand Slam sa San Miguel sa Philippine Cup Finals.

Sa kabila nito, panalo pa rin ang MVP Group of Companies matapos makamit ng Meralco ang kauna-unahan nilang PBA championship sa nakaraang Season 48.

Tatanggapin ni Pangilinan, chairman din ng PLDT at Metro Pacific Investments Corp., ang kanyang ikatlong Executive Award mula sa grupo na nagkokober ng PBA beat sa pamumuno ng pangulo nitong si Vladi Eduarte ng Abante Group of Publications.

Ang 79-anyos na si Pangilinan ang ikatlong executive na tatlong beses nanalo ng nasabing tropeo matapos sina RFM team manager Elmer Yanga (1993-95) at SMC Sports Director Alfrancis Chua (2017, 2021 at 2024).

Nauna nang nakamit ni Pangilinan, isang cum laude alumnus ng Ateneo De Manila na may Bachelor of Arts degree sa Economics, ang award noong 2003 at 2011 na parehong season na muntik makopo ng TNT ang Grand Slam.

Ipinangalan ng Press Corps ang prestigious award sa karangalan ni Valeriano ‘Danny’ Floro, ang namayapang team owner ng maalamat na Crispa Redmanizers na nag-iisang prangkisa sa PBA history na nanalo ng dalawang Grand Slam noong 1976 at 1986.

Personal na ibibigay ni Bones Floro, ang secretary general ng National Golf Association of the Philippines at apo ng legendary Crispa team owner, ang tropeo kay Pangilinan.

Makakasama ni Pangilinan sa entablado ang mananalo ng Baby Dalupan Coach of the Year Award na pinag-aagawan nina Chot Reyes ng TNT at Leo Austria ng San Miguel.

MANNY V PANGILINAN

PBA

PBAPC

PBAPC AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with