Spoelstra bagong Team USA coach

NEW YORK -- Nakatakdang pangalanan si Fil-American coach Erik Spoelstra ng Miami Heat bilang bagong mentor ng Team USA para sa 2028 Olympic Games sa Los Angeles, USA at sa 2027 World Cup sa Qatar.
Inaasahang mapapanalisa ang kontrata ng 54-anyos na si Spoelstra bilang kapalit ni Golden State Warriors coach Steve Kerr.
Iginiya ni Kerr, katulong si Spoelstra, ang Team USA sa gold medal sa 2024 Paris Olympics.
Ito ang pang-limang sunod na Olympic gold para sa American men’s team.
Kung makukumpirma ay si Spoelstra ang magiging unang coach sa Heat history na gagabay sa U.S. men’s national team.
Sasalang sa kanyang ika-18 NBA season, inihatid ni Spoelstra ang Miami team sa anim na NBA Finals appearances tampok ang paghahari noong 2012 at 2013 sa likod nina LeBron James, Dwyane Wade at Chris Bosh.
Ang ina ni Spoelstra na si Elisa ay tubong San Pablo, Laguna at ilang beses na ring bumisita ang NBA coach sa Pilipinas para magsagawa ng mga basketball clinics sa mga bata.
“When I first started coming over, I just wanted to give back and do as much as I could, in terms of clinics and continue to grow the game and just be involved in the movement,” ani Spoelstra. “That’s what I call it. Basketball really is like a religion in the Philippines.”
- Latest


















